Sarah Geronimo, umaming may problema sa kalusugan

Inamin na rin ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo na may pinagdadaanan itong ilang health problems.

Kung matatandaan, unang napabalita na may problema sa kalusugan si Sarah ng sabihin ng MTV Asia na hindi makakasali ang singer sa taunang Music Evolution.

Gayunman, ayaw naman ng idetalye ni Sarah kung ano ang problema nito sa kalusugan.

Ayon kay Sarah, hindi naman malalang sakit ang pinagdadaanan nito.

Kailangan lamang aniya ng kaunting panahon at pansin.

Dahil dito, nakatakda namang magbakasyon ang Pop Princess sa susunod na mga buwan para makapag-relax.

Speak Your Mind

*