Saudi Arabia, lugar na malimit paring puntahan ng mga OFW – POEA Region 1

Ang mga bansa sa Middle East partikular na sa Saudi Arabia ang may mataas na bilang na pinupuntahan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) para magtrabaho.

Ito ang kinumpirman ni Rex Marcos, Chief for Regional Center ng Philippine Overseas Employment Administration (poea) Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Tiniyak naman ni Marcos na sinisiguro ng POEA na ligtas ang mga OFW na magtutungo sa naturang lugar kung dadaan ito sa kanilang tanggapan dahil lahat ng mga employer ay kailangang ma-accredit sa POEA.

Nilinaw naman ni Marcos na hindi dapat mag-recruit ng mga OFW ang mga License Agency kung wala silang Existing Jobs Order.

Speak Your Mind

*