Search for Huwarang Pantawin Pamilya 2016, sinisimulan na sa Pangasinan

Isinasagawa na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) reGion 1 ang kanilang provincial validation para sa Search for Huwarang Pantawin Pamilya 2016.

Ayon kay Jaesem Ryan Gaces, Pantawid Pamilya Information Officer ng DSWD Field Office 1, sa Hunyo a-bente nuebe ay sisimulan sa Pangasinan ang pagbisita ng provincial validator sa dalawang pamilya mula sa bayan ng Mapandan at lungsod ng Urdaneta.

Dito umano malalaman kung sino ang magiging kinatawan ng Pangasinan bilang huwarang pantawin pamilya 2016 sa regional level.

Layunin ng naturang programa na malaman ang mga model family na nasa ilalim ng pantawid pamilya program kung paano nila pinapalaki at pinag-aaral ang kanilang mga anak.

Matatandaang mula sa Region 1 ang nanalo sa National Level bilang Huwarang Pantawid Pamilya 2015 na mula Paoay Ilocos Norte.

Speak Your Mind

*