Separation anxiety, problema ng mga magulang sa mga unang araw ng pasukan

Kadalasan ng problema ng mga magulang ang ayaw magpa-iwan ng kanilang anak kapag inihahatid sa mga unang araw ng pasukan.

Ayon sa ilang psychologist, separation anxiety ang tawag dito.

Normal aniya ng ganitong sitwasyon lalo na sa mga bata na walang exposure sa ibang lugar at makihalobilo sa ibang tao.

Payo ng ilang psychologists, kailangang ikondisyon ang anak para sa pagpasok sa eskuwela.

Kagaya ng pagsama sa anak sa mga lugar kung saan puwede itong makipag-socialized, o kaya isama sa pagbili ng mga gamit sa eskuwela.

Mahalaga din aniya na ituro sa mga bata ang kahalagahan ng pag-aaral at edukasyon.

Aniya, pinaka-epektibo ding gawin ang pagbibigay ng reward system na magsisilbing positive reenforcement sa mga bata.

Speak Your Mind

*