Serena Williams, kinilalang world’s highest-paid sportswoman

Dalawang araw makaraan ang nakagugulantang na pagkatalo kay Garbine Muguruza sa French Open Final, umiskor nang kakaibang panalo si Serena Williams nang iulat ng forbes magazine na nilampasan na niya si Maria Sharapova bilang World’s Highest-Paid Sportswoman.

Nagbulsa si Williams ng $28.9 million sa nakaraang 12 months, report ng financial magazine sa article sa website ng Forbes.

Kumita naman si Sharapova ng $21.9 million sa past 12 months, bumaba ng $8 million noong isang taon,

Nasa Tersera sa listahan si American Mixed Martial Arts Star Ronda Rousey na may $14 million, ahead kay Nascar Stock Car Driver Danica Patrick, na may $13.9 million.

Ayon pa sa Forbes, ang career-prize money na ni Williams ay $77.6 million, mataas nang dalawang beses sa iba pang sportswoman na gaya niya.

Speak Your Mind

*