Siyam na kompanya, sabay-sabay na kinasuhan ng BIR sa DOJ

Dalawang linggo bago bumaba sa pwesto ang  kasalukuyang pamunuan ng bureau of internal revenue ay siyam na kasong tax evasion ang magkakasabay na isinumite nito sa Department of Justice.

Sa ulat ng BIR ay umabot na sa 481 ang tax evasion cases ang kanilang naihain simula 2010 base sa programang rate o run after tax evaders na sinimulan ni Commissioner Kim Henares.

Ang siyam na kumpanya na kinasuhan ng BIR ay: RC Correo Construction Services and Supplies, COSCO Petroleum Company, Konstrak International Incorporated, AC Electrical Corporation, Errizaro Shoe Corporation, LB7 Trucking and Trading,  Kevin Enterprises, Tayag Builders at A-R Reynoso Arch Inter Design Corporation na umabot sa 460.31 million pesos ang babayarang buwis.

Sa June 29 ang huling Tax Evasion Cases sa ilalim ng Aquino Government na ihahain sa DOJ.

Speak Your Mind

*