“Skill Training” ng TESDA, in-demand para sa mga naghahanap ng trabaho

In-demand ngayon ang “Skill Training Program” ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA lalo na sa mga naghahanap ng trabaho.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay TESDA Provincial Director Engr. Manuel Wong, sinabi nito na kahit mga degree holder ay kumukuha parin ng “Skill Training Program” ng TESDA para mag-aral.

Ito ay upang madagdagan umano ang kanilang kaalaman at credentials para mas madaling makahanap ng trabaho.

Tiniyak naman ni Wong ang tuloy-tuloy ang “Skill Training Program” ng TESDA kahit na nagsimula ang pasukan ngayong tao.

Speak Your Mind

*