Smuggling ng semento sa bansa, nakakaalarma na

Nagsanib puwersa ngayon ang Bureau of Customs (BOC) at ang Cement Manufacturers Association of the Philippines o CEMAP kaugnay sa smuggling ng semento sa bansa.

Ayon kay CEMAP President at dating pangulo ng Asean Federation of Cement Manufacturers Ernesto Ordoñez, ang kanilang hakbang ay matapos ang pagpasok ng mga undervalued na semento mula sa Vietnam at China.

Nakakalarma aniya ang siyam na undervalued shipment na dapat magbayad ng P8M buwis sa gobyerno.

Ang mga natuklasan aniyang mga semento ay walang manufacturing date, batch number at iba pang proper markings na mandato ng Department of Trade and Industry.

Speak Your Mind

*