Special Recruitment Activity, isasagawang ngayong araw sa PESO Office

Maraming oportunidad para sa naghahanap ng trabaho sa ibang bansa ang naghihintay sa isasagawang Special Recruitment Activity ngayong araw ng Lunes, June 20 na gaganapin sa Public Employment Service Office (PESO) bayan ng Lingayen.

Ito ay dahil sa isang licensed recruitment agency na American Prime Manpower Services, Inc., na mayroong job orders para sa nurses na maaaring magtrabaho sa America, Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE).

Maliban dito, bukas din ang iba pang trabaho gaya ng engineers, surveyors, electricians, carpenters, tile setters, foremen, machinists, dentists, skilled workers para sa hotel, restaurant at tourism industries, na maaring mag trabago sa Middle East kabilang na sa Saudi Arabia, Bahrain, UAE at Qatar.

Ipinaalala naman ni DOLE-1 Regional Director Grace Ursua sa mga jobseekers ihanda ang mga kakailanganing dokomunto tulad ng resumes o bio data, diplomas, official transcript of records, employment and training certificates, original at photocopies ng passport, pictures at iba pang mga credentials.

Speak Your Mind

*