Suporta ng administrasyon ni Pogi sa PDRRMO, inaasahan

Inaasahang mas lalo pang paiigtingin ang Disaster Risk Reduction and Managemet ng Pangasinan sa papasok na bagong administrasyon ni Governor Elect Amado “Pogi” Espino III.

Ito ayon kay Avenix Arenas, Spokesperson at Training Head ng PDRRMO dahil sa magagandang ginawa ng kanyang ama na si outgoing Governor at Congressman Elect Amado T. Espino Jr.

Kabilang na aniya rito ang paglalagay ng sariling tanggapan ng PDRRMC noong 2007 kung saan mas natutukan nila ang mga disaster preparedness, mitigation, response and rehabilitation.

Sa bagong admintrasyon, inaasahan ng PDRRMO na susuportahan ni Gov. Pogi ang kanilang inahandang contingency plan, local climate change adoptation plan at pagkakaroon ng sapat na pondo.

Ang tinig ni Avenix Arenas, Spokesperson at Training Head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Managemet Office.

 

Speak Your Mind

*