Tamang koordinasyon, kailangan sa panahon ng kalamidad  -Cong. Bataoil

Ikinakasa na ng tanggapan ni Pangasinan 2nd District Congressman Leopoldo Bataoil ang koordinasyon sa ibat-ibang sangay ng gobyerno para matugunan ang inaasahan papalapit na tag-ulan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Cong. Bataoil, sinabi nito na taon-taon niya itong ginagawa tulad ng pag-mobilized sa mga police at military.

Mahalaga aniya ang ganitong hakbang upang maihanda ang mga kakailangang tao at kagamitan sa posibleng maranasang kalamidad.

Idinagdag pa ng kongresista na mahalaga rin ang kahandaan ng Department of Education (Deped) lalo na ang mga guro para magabayan ng mga estudyante, lalo na sa panahon nang pagde-deklara ng walang pasok dahil sa kalamidad.

Iginiit naman ni Bataoil na ang kahandaan para sa lahat kabilang na rito ang mga magulang.

Speak Your Mind

*