Tangkang pagpuslit ng iligal na droga sa loob ng BJMP Dagupan, naharang

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Dagupan ang tangkang pagpuslit ng hinihinalang iligal na droga sa loob ng kulungan.

Ayon kay City Jail Warden Atty. Kenneth Bid-ing, bisita ang labing siyam na taong gulang ng babae mula sa bayan ng Mangaldan ng isang inmates na may drugs related cases na nakapiit sa BJMP Dagupan

Nakuha sa suspek ang hinihinalang shabu nang dumaan ito sa paghigpit na pagbabantay ng mga jail warden.

Dahil dito muling nagpaalala si Bid-ing sa mga magtatangka pang magpuslit ng droga sa loob ng kulangan dahil sa mas pinaigting nilang programa kontra iligal drugs.

Mahigpit din umanong ipinapatupad ang siguridad sa loob ng kulungan upang hindi makapasok ang iba pang uri ng kontrabando tulad ng baril, patalim, malaking halaga ng pera at droga.

Speak Your Mind

*