Tatlumpu’t katao, patay sa nagpapatuloy na airstrike sa Syria

Aabot sa tatlumpu’t apat na katao ang namatay sa airstrike na isinagawa ng tropa ng gobyerno ng Aleppo, Syria sa Rebel-Held Districts.

Siyam ang namatay sa airstrike kabilang na ang dalawang bata sa Salhen, Ferdos at Jisr al-haj districts sa aleppo.

Habang dalawampu’t lima naman kasama ang isang babae at bata ang namatay sa pambobomba sa bayan ng Salahadeen, Sukary, Malaah at castello.

Sugatan din sa insidente ang isang independent journalis at activist na si Hadi Al-Abdullah.

Speak Your Mind

*