Top 5 dengue watchlist area sa Pangasinan, binabantayan

Limang bayan na sa lalawigan ng pangasinan ang isinailalim sa dengue watchlist area ng Provincial Heath Office (PHO) bunsod ng papalapit na tag-ulan.

Batay sa tala ng PHO, kabilang ang top 5 dengue watchlist area ang bayan ng asingan na nakapagtala ng 660 kaso, Malasiqui na may 44 kaso, Bayambang na may 41,  San Carlos City na may 36 at Pozorrubio na may 35 na kaso ng dengue.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna Marie de Guzman, mas mabilis tumaas ang kaso ng dengue kung panahon ng tag-ulan kayat double ang kanilang ginagawang pagbabantay.

Naniniwala naman si de Guzman na ang mga bayan na nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue ay lugar na maraming business establishment gaya ng mga repair shop kung saan hindi napapansin ang mga nakatagong tubig na pinamamahayan ng lamok na carrier ng dengue virus.

Speak Your Mind

*