TPLEX, nakatulong  sa pagluwag ng trapiko sa Urdaneta City – POSO

Aminado ang Public Order and Safety Office (POSO) Urdaneta City na malaki ang naitulong ng TPLEX o Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway upang mabawasan ang nararanasang traffic sa syuidad.

Sa panayam ng DZRD sonshine Radio kay Henry Kang, hepe ng POSO Urdaneta na nabawasan ang traffic congestion o mga sasakyang dumadaan mula Metro Manila patungong Baguio at ibang bahagi ng North Luzon.

Sinabi pa ni Kang na malaking bahagi rin sa pagbawas sa masikip na daloy ng trapiko ang ginawang road widening ng Department of Pubic Work and Highways (DPWH).

Sakali naman aniyang magkaroon ng hindi inaasahang pagsikip ng trapiko dahil ang syudad ay itinuturing nang business comercial center sa pangasinan ay agad naman aniya itong nasusulusyunan

 

Ang tinig Henry Kang, hepe ng Public Order and Safety Office (POSO) Urdaneta City sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*