Tropical Storm ‘Colin’, nagdulot ng pagbaha sa Florida, USA

Nagdulot naman ng matinding pagbaha sa Florida, USA, ang pagtama ng Tropical Storm ‘Colin’.

Sa tala ng National Hurricane Center, ito ang kauna-unahang tropical system na tumama sa Florida sa loob ng tatlong taon.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pinsala na iniwan ng naturang bagyo.

Samantala, ramdam na sa Southeast America ang hagupit ng Tropical Storm Colin kahit pa nasa Gulf of Mexico pa lamang ito.

Naghahanda na rin ang mga residente sa inaasahang matinding pagbaha na dulot ng nasabing sama ng panahon partikular sa Coastal Areas sa timog silangang Amerika.

Speak Your Mind

*