U.S President Barack Obama, inindorso na si Hillary Clinton

Pormal nang inindorso ni U.S President Barack Obama ang kandidatura sa pagkapangulo ni dating U.S Secretary of State Hillary Clinton.

Ayon kay Obama, handa siyang samahan si Clinton sa kampanya para masiguro na makuha ang White House Nomination.

Hinikayat din ni Obama ang lahat ng democrat na magkaisa sa pagboto kay Clinton upang mahadlangan ang katunggaling si Presumptive Republican Presidential Nominee Donald Trump sa eleksyon sa Nobyembre.

Maliban kay Obama, nagdeklara na rin ng suporta kay Clinton si Senator Bernie Sanders na nakatunggali nito sa Presidential Nomination ng Democrats.

Ayon kay Sanders, gagawin niya ang lahat upang hindi maging pangulo ng Amerika ang kontrobersyal na si Trump.

Una nang nakipagpulong si Sanders kay Obama para tiyakin ang pagsuporta nito kay Clinton at ang pagkakaisa ng Democrat.

 

Speak Your Mind

*