“Voluntary Blood Program”, isinusulong dahil sa mataas na kaso ng maternal death

Patuloy na isinusulong ng Provincial Health Office (PHO) ang “Voluntary Blood Program” bahagi sa programa ng Maternal Health Care ng Pangasinan.

Ito ayon kay Aurora Doria, Maternal Health Program Manager ng PHO ay dahil sa tumataas na bilang ng maternal death o ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak.

Ani Doria, ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy na nasa below 18 years old na nagbubuntis ang high risk mother.

Temang “Ako ay Donor, Dugo Ko, Dugtong ng Buhay Mo” ang Voluntary Blood Program ng PHO katuwang ang ibat-ibang stakesholder gaya ng R1MC at Red Cross.

Dahil dito, tuloy-tuloy umano ang isinasagawang Mobile Blood Donation ng PHO sa piling lugar sa Pangasinan.

Ang tinig ni Aurora Doria, Maternal Health Program Manager ng Provincial Health Office ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*