Voters registration, inihahanda ng Comelec para sa Barangay Election

Bagamat wala pang kompirmasyon na matutuloy ang Barangay Election ngayon Oktobre, naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa voters registration.

Ito ang inihayag ni Comelec Supervisor Atty. Joel Ginez, ng Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan inaasahan nilang sisimulan ito sa darating na buwan ng hulyo.

Ayon pa kay Ginez, may magaganap mang Barangay Election o wala ay tuloy ang isasagawa nilang Comelec Registration

Patuloy rin umano na ipapatupad na biometric registration kung saan mandato na ito ng Comelec

 

Speak Your Mind

*