VP Binay, walang balak na magretiro sa pulitika

Walang balak na magretiro sa pulitika si Vice President Jejomar Binay kahit pagkatapos ng kaniyang termino sa Hunyo a-trenta.

Ayon kay Undersecretary Benjamin Martinez Junior, hindi iiwan ni Binay ang mundo ng pultika kahit natalo ito sa nagdaang halalan.

Sinabi ni Martinez na tututukan ni Binay ang pagpapalakas at pagpapabuti ng kaniyang Political Party na United Nationalist Alliance o UNA kasama ang mga miyembro nito.

Magiging aktibo din aniya si Binay sa kaniyang Foundation.

Samantala, inihayag din ni Martinez na malapit na silang matapos sa pag-aayos ng gamit ni Binay sa coconut palace.

Nakatakdang bumaba sa puwesto si Binay sa darating na Hunyo a-trenta kasunod ng pagpasok ng bagong administrasyon.

Speak Your Mind

*