Warriors, aminadong naging kumpiyansa sa laro kaya natambakan

Nagawang makabawi ng Cleveland Cavaliers sa nagpapatuloy na NBA Finals best-of-seven series.

Kahapon, tinalo ng Cavaliers sa kanilang balwarte ang defending champion na Golden State Warriors sa iskor na 120-90.

Matinding depensa ang ipinamalas ng Cavs para pigilan ang “big three” ng Warriors na makapuntos sa naturang laro.

Aminado si Warriors Coach Steve Kerr na masyado silang nagpakapante sa game 3.

Sa unang quarter palang ay nagawa ng mailayo ng Cavs ang kanilang kalamangan sa dalawampung puntos.

Gayunman, sinabi ni Kerr na babawi sila sa susunod na mga games.

Sa ngayon lamang pa rin sa serye ang Warriors sa 2-1.

Gaganapin naman ang game 4 sa sabado sa hometown pa rin ng Cavaliers.

Speak Your Mind

*