Warriors, pursigidong maipanalo ang laro sa game six ng NBA Finals

Pursigido ang Golden State Warriors na manalo kahit hindi makapaglaro sa game six ng nba finals si Australian Center Andrew Bogut.

Ito ay matapos magtamo ng knee injury si Bogut sa third quarter ng game five.

Tiwala naman ang Warriors na mapupunuan ang kakulangan ni Bogut sa katauhan nina Festus Ezeli, Anderson Varejo, James Michael MCadoo at Marreese Speights.

Samantala, balik na sa paglalaro ang tinaguriang “heart and soul” ng Golden State na si all star Draymond Green matapos itong masuspinde sa game five ng NBA finals.

Magugunita na sa pagliban ni Green, ginisa ng Cleveland Cavaliers ang depensa ng defending champion dahilan upang mapuwersa nila ang NBA Finals sa game six bukas araw ng Biyernes.

 

Speak Your Mind

*