Wasar Volunter Recriutment, sinimulan na bilang paghahanda sa La Nina

Sinimulan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PPDRMO) Pangasinan ang Wasar Volunter Recriutment bilang paghahanda sa inaasahang La Nina.

Ayon kay Avinex Arenas, Training and Information Head ng PDRRMO, magiging bahagi ang mga Wasar Volunter Team sa responder at ide-deploy sa ibat-ibang bayan na binabaha.

Dagdag pa ni Arenas na mahalaga ang pagkakaroon ng Wasar Team dahil anumang oras na dumating ang kalamidad ay mayroong agad na magsasagawa ng rescue operation.

Dahil dito, nais ipanukala ng PDRRMO na magkaroon din ang barangay desaster risk reduction management committee na magkaroon sila ng sariling rescue team.

Sa ngayon, sumasabak sa basic training ang mga bagong recruit na Wasar Volunter Team at sasabak pa sila sa Basic Life Saver, First Aid at pag-oparate ng rescue boat.

Speak Your Mind

*