Geocloud Tech, kauna-unang ipapatupad sa lalawigan ng Pangasinan

Napili ang lalawigan ng pangasinan bilang kauna-unahan sa buong bansa na ipapatupad ang paggamit ng Geocloud Integrated Geographic System (GIS), isang makabagong teknolohiya sa disaster management.

Ito ay ayon sa steering committee sa kanilang unang pagpupulong na naganap noong July 26 sa pangasinan disaster Risk Reduction And Management Council (PDRRMC) operations center.

Sinabi ni Project Team Leader Noriaki Ishibashi ng informatix incorporated, ang kompanyang nag debelop ng Geocloud Technology, ang nasabing proyekto na pinondohan pa ng Japan International Cooperation Agency  o JICA  ay ipapatupad ng sampung buwan hanggang sa makamit ang full operation nito.

Dagdag pa ni Ishibashi, sa lahat ng mga lalawigan sa bansa, ang Pangasinan ang  pinaka mainam na modelo para ipatupad ang  teknolohiya sapagkat ito ay disaster-prone province.

Speak Your Mind

*