13 preso, patay sa sumiklab na riot sa bilangguan sa Guatemala

Patay ang may 13 preso matapos na sumiklab ang isang riot sa bilangguan sa Guatemala.

Kasama sa mga nasawi si dating Army Captain Byron Lima Oliva na nahatulan at nakulong sa kasong pagpatay sa isang Guatemalan Bishop.

Ayon sa tagapagsalita ng Guatemalan National Institute of Forensic Sciences, naganap ang riot sa Pavoncito Prison.

Patuloy na iniim­bestigahan ng mga awtoridad kung ano ang pinag-ugatan ng riot na ikinasawi rin ng iba pang preso.

Speak Your Mind

*