32 Pulis ng NCRPO na sangkot sa Iligal na Droga, Itinapon sa ARMM

Ipinatapon ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa Autonomous Region In Muslim Mindanao o ARMM ang tatlumpu’t dalawang mga Pulis ng National Capital Region Police Office o NCRPO na umanoy sangkot sa Iligal na Droga.

Nitong lunes ay inilabas ng Kampo Crame ang Re-assignment Order ng nasabing mga pulis na epektibo enero a-uno ng taong kasalukuyan.

Ilan sa mga ito ay dating nakatalaga sa QCPD Anti-Illegal Drug Unit sa pamumuno ni dating QCPD Director General Edgardo Tinio.

Habang ang iba naman ay mula sa NCRPO Regional Anti-Illegal Drug Unit na pinamunuan ni dating NCRPO Chief Director General Joel Pagdilao.

Ayon kay Dela Rosa, ang nasabing Tatlumpu’t Dalawang Pulis ay sangkot sa iligal na droga, habang ang labing isa umano dito ay kabilang sa tinaguriang Ninja Cops na Nagre-Recycle ng Droga.

Sinabi ni Dela Rosa na ang mga Ninja Cops ay kaniyang ide-deploy sa lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, habang ang labing lima umano ay magre-report sa Police Regional Office Nine.

Speak Your Mind

*