911 magiging National number ayon sa Palasyo

Hindi lang sa Davao City magiging accessible ang hotline number na 911 para sa emergency kundi sa Buong Bansa na.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa isang Media Interview, magiging National number ang 911 at target ng pamahalaan na mararanasan ng buong bansa ang naging serbisyo ng emergency number na ito sa mga naninirahan sa Davao City.

Ang Davao City Central 911 ng Davao City ay unang tumatanggap noong 2002 para tugunan ang mga sumbong kaugnay sa kriminalidad sa lungsod.

Ngayon kahit anong klaseng emergency kayang tugunan ang Davao City Central 911 tulad ng bansang Amerika at Canada.

Ang pagkakaiba nga lang ay walang bayad ang pagtawag sa Central 911 sa Davao City kumpara sa ibang bansa.

Speak Your Mind

*