96% ng Pangasinan PNP, sumailalim sa drug testing

Umabot na sa siyamnaput anim na porsyento (96%) ng 2,000 police personnel sa apatnaput walong police stations ng Pangasinan ang sumailalim sa ipinapatupad na random drug testing.

Ito ang inihayag ni P/Supt. Jackie Candelario, ang Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) kung saan ang apat na porsyento rito ay ang mga police officer na nasa schooling.

Batay naman aniya sa initial report ng Pangasinan Provincial Crime Laboratory mula sa animnapung porsyento na natatapos suriin ay pawang negatibo sa paggamit sa iligal na droga.

 

Dagdag pa ni Candepario na hindi madaling malaman kung ang isang tao ay gumagamit ng iligal na gamot dahil sa dami ng  trabaho na isinasagawa ngayon ng Provincial Crime Laboratory.

——-

Drug personalities na sumuko sa Pangasinan, umabot na sa mahigit isang libo

Umabot na sa mahigit apat na isang libong drug personalities ang boluntaryong sumuko sa ibat-ibang police station sa buong lalawigan ng pangasinan.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, ang Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang bilang na 1,059 ay yun lamang sumuko sa mga police station.

Hind pa aniya rito kasama ang mga sumuko sa mga barangay official at hindi pa nasasama sa listahan ng police station lalo na sa lungsod ng Dagupan.

Samantala, umabot na umano sa 104 ang naisagawa police operation kasama na umano rito ang search warrants, at buy-bust operations kung saan nagresulta ito sa 123 na naaresto na itinuturing na drug user at pusher.

Speak Your Mind

*