Abaca Industry ng bansa, balak palawakin  ng DA

Balak ngayon ng Department of Agriculture na mas lalo pang palawakin ang industriya ng Abaca sa bansa.

Ayon kay DA Sec. Manny Pinol, P5 bilyong pisong pondo ang kanilang ilalaan sa susunod na limang taon para sa proyekto ito.

Siyamnapung libong ektarya naman ng Abaca plantation ang target ng ahensiya na matamnan hindi lang sa nabanggit na rehiyon, kundi maging sa buong bansa.

Nabatid na ang bansang pilipinas ang orihinal na gumagawa ng produkto ng Abaca na sinundan ng Eucador at Costa Rica.

Sa ngayon, ay meron na aniyang 100 milyong piso, bilang paunang pondo para sa naturang proyekto.

Speak Your Mind

*