Aksidente sa mga lansangan ng syudad ng Cauayan, bumaBa

BumaBa ang mga aksidente sa daan sa 2nd quarter dito sa syudad ng Cauayan City kumpara noong 1st quarter ayon sa talaan ng Recue 922 ng syudad.
Ayon kay Ronald Viloria, ng Rescue 922 at City Disaster Riske Reduction and Management Officer, ang kanyang tanggapan ay nakapagtala ng 199 vehicular accidents sa second quarter ngayong taon kumpara sa 247 noong 1st quarter ng taon.
Ani Viloria, dahil umano ito sa estriktong implementasyon ng Executive Order No. 18 ni Gov Dy kaya bumaba ang mga vehicular accidents na kadalasang sangkot ang mga motorcycle riders.
Samantala, ang Land Transportation Office (LTO), PNP, Liga ng Mga Barangay at Public safety office ng Isabela ay mahigpit nang ipinapatupad ang E.O 18 sa buong lalawigan lalu na nitong ka bubukas ng klase noong buwan ng Hunyo kung saan nakahuli ng maraming traffic violators ang mga otoridad.
Dagdag pa ni Viloria, dahil sa pagpapalawig ng E.O 18, bumaba na ang bilang ng mga na-aaksidente sa mga pangunahing lansangan ng lungsod at marami na umanong tumatalima sa pagsusuot ng helmet sa mga motorista.

Speak Your Mind

*