Amerika, hindi dapat hayaang makialam sa isyu sa West Philippine Sea

Dapat ay manindigan ang Pilipinas sa tagumpay sa sigalot sa West Philippine Sea at huwag hayaang may makialam sa usapin.

Ayon kay Political Analyst Professor Ronald Simbulan, dapat ay i-maximize ang bentahe ng Pilipinas mula sa naipanalong kaso.

Dapat aniya ay huwag hayaang ang Amerika ang magpatupad ng desisyon ng arbitral tribunal lalo pa’t hindi naman signatory ng United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos) ang U.S.

Paniwala ni Simbulan, nagtayo kasi ang China ng mga artificial island para kontrahin ang mga military agreement gaya ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Kailangan umanong maging maingat ang pilipinas sa susunod na magiging hakbang ng bansa.

Mas mabuti, ani Simbulan, na huwag ipamukha sa China ang panalo.

Una nang sinabi ng China na hindi nila kikilalanin ang desisyon ng Arbitral Tribunal.

Speak Your Mind

*