Angelica Panganiban, hanga sa pagiging down-to-earth ni Maine Mendoza

Inamin ng aktres na si Angelica Panganiban na hanga siya sa pagiging down-to-earth ng binansagang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Sa palitan ng tweet sa mga netizen, natanong si Angelica kung anong pinakagusto niya sa mga star ng noon time show ng kabilang istasyon.

Reply naman ni Angelica, unaware si Maine sa kaniyang kasikatan.

Ni-reveal rin ni Angelica na madalas siyang kamustahin ng bagong aktres at mabuti aniya itong tao.

Sa kabila rin ng pagiging magkaribal ng kanilang mga istasyon, sinabi ni Angelica na keep in touch silang dalawa ni Maine.

Speak Your Mind

*