Annabelle Rama, emotional dahil sa hindi matukoy na karamdaman ni Ruffa

Hindi napigilan ni Annabelle Rama ang ina ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang maging emotional at maiyak ng maalala ang pinagdaan ng anak.

Sa presscon ng kanilang reality show na It Takes Guts To Be Gutierrez sinabi ni Annabelle na namatay sa loob ng 5 minuto si Ruffa.

Ayaw niyang pag-usapan ang hindi nila magandang relasyong mag-ina dahil sa takot na mamatay ito.

Nag react naman si Ruffa sa naging pahayag ng kanyang ina, masaya umano siya dahil may care pa rin ito sa kanya na akala niya ay wala na.

Sinabi rin ng aktres na dumaan na siya sa iba’t ibang tests ngunit hindi pa rin matukoy ng mga doktor ang kanyang karamdaman.

Matatandaang hindi maganda ang relasyon ng mag-ina dahil hindi pabor si Annabelle sa nagiging karelasyon ni Ruffa.

Speak Your Mind

*