Anti-Dynasty Law, mahigpit na ipapatupad ng Comelec sa SK Election

Nanindigan ang Commission on Election o Cemelec na mahigpit na ipatutupad ang Anti-Dynasty Law sa darating sangguniang kabataan election sa Oktobre.

Ayon kay Atty. Michael Sarmiento, Election Officer ng San Carlos City na hindi papayagang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang isang kabataan na may kamag-anak na nasa 2nd degree na Barangay Officials.

Sa ilalim ito ng Republic Act (RA) 10742 o Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi pa ni Sarmiento na madaling makita ang record ng sinumang magpipila ng COC sa pamamagitan ng birth certificate kayat maaari siyang sampahan ng disqualification case.

Para naman sa lahat ng gustong kumandidato sa SK election, kailangang ito ay may edad labing walo (18) hangang dalawamput apat (24) at may anim na buwan nang naninirahan sa kanilang barangay.

Nakatakda naman ang filing ng COC para sa Barangay at SK Election sa darating na Oktober 3 hanggang Oktober 5, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Speak Your Mind

*