Anti-Red Tape Czar, binuo para mapabilis ang transaksyon sa BIR at BOC

Itinalaga ni Finance Secretary Carlos Dominguez si Finance Undersecretary Gil Beltran bilang ‘Anti-Red Tape CZAR’.

Ito ay para mapabilis ang transaksyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Ilan sa mga tututukan ni Beltran ay ang mapabilis ang proseso sa pagbayad ng buwis, pagkuha ng mga tax refunds, pagkuha ng mga tax exemption certificates, import releasesd, shipping out exports, pagparehistro ng negosyo at ang pagkuha ng mga appointments sa mga public officials.

Dati namang pinamunuan ni Beltran ang Office of Chief Economist ng Department of Finance na nagsasagawa ng analytical resource sa mga lumalabas na economic issues at developments.

Speak Your Mind

*