Bagong PNP Chief General de la Rosa, napromote bilang 4-start General

Na-promote na bilang 4-star general ang bagong upong PNP Chief na si Ronald ‘Bato’ De la Rosa.

Mula sa pagiging 1-star general, agad itong naging 4-star general kasunod ng pormal na pagtatalaga dito bilang bagong hepe ng pambansang pulisya.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Assumption of Commands ng PNP na ginanap kaninang umaga sa headquarters sa Kampo Crame.

Sa pag-upo sa pwesto, malaking hamon ang kakaharapin nito sa pagtugon sa target o mandato ni pangulong Duterte na tatapusin ang problema sa kriminalidad at iligal na droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.

Bago naging hepe ng pambansang pulisya, si de la Rosa ay naging executive officer ng PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development.

Nadestino rin ito sa PNP Intelligence Group mula Oktubre 2013 hanggang Diyembre 2014.

Ngunit higit na nakilala si dela Rosa bilang hepe ng Davao City Police.

Pinalitan naman nito bilang hepe ng pambansang pulisya si Director General Ricardo Marquez na nagretiro na noong Martes, Hunyo a-bente otso.

Speak Your Mind

*