Bagyong Butchoy, patuloy ang paglakas sa bahagi ng Northern Luzon

Patuloy ang paglakas ng Bagyong Butchoy na ngayon ay nasa silangang bahagi ng Northern Luzon.

Ayon sa PAG-ASA, hindi pa rin maituturing na Super Typhoon kahit lumalabas na sa ibang Weather Agency ang naturang Tropical Cyclone Status.

Sa pinakahuling ulat ng PAG-ASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 615 Kilometer sa silangan ng Basco Batanes.

Taglay pa rin nito lakas ng hangin na 210 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 245 kilometro bawat oras.

Patuloy na kumikilos ang bagyong Butchoy pahilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Nananatili naman ang Tropical Cyclone Signal Number One sa Batanes Group Of Islands.

Habang habagat naman ang nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas Region.

Sa biyernes ng umaga o tanghali naman inaasahang lalabas ng Philippine Area Of Responsibility ang Bagyong Butchoy.

Speak Your Mind

*