5 taong gulang pababa, prayoridad sa deworming ng MHU Mangaldan

Prayoridad ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Mangaldan, Pangasinan na mapurga ang mga batang limang taong gulang pababa at mga out of school youth.

Ito’y dahil ang deworming sa mga paaralan ay nasa ilalim na pamamahala ng Department of Education o Deped.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dra. Ofelia Revera, MHO Officer ng Mangaldan nakatutok silang sa mga batang nasa Daycare Center at mga batang hindi pa nag-aaral.

Tiniyak naman ng MHU Mangaldan na nanatiling nakasuporta sila sa deped sa pagmomonitor sa kalusugan ng mga bata.

Nabatid na maaaring mauwi sa malnutrisyon, paglaki ng tiyan, pagtatae, at iba pang problema sa kalusugan ng mga bata kung sila ay hindi mapupulga at mayroong bulate sa katawan.

Speak Your Mind

*