Bayan at syuidad na may mataas na kaso ng manultrisyon, target ng DOH Region 1

Target ng Deparment of Health (DOH) at National Nutrition Council (NNC) Region 1 ang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan na mababa ang kaso ng malnutrisyon.

Ito’y kasabay sa inilunsad na early childhood care and development (ECCD) sa Alaminos City kung saan sentro ang unang 1000 araw ng mga bata mula ng sila ay ipinanganak hanggang sa ika-dalawang taon ng bata.

Kasama ng lungsod ng Alaminos ang bayan ng Umingan, Bayambang at Urdaneta cIty na may mataas ding kaso ng malnutrisyon.

Ilan aniya sa ECCD intervention package program ay ang pre-natal check-up, bakuna sa buntis, new born screening, at breast feeding.

Ayon kay DHO Regional Director Dra. Mryna Cabotaje na bago pa magbuntis ang isang ina ay dapat nakaplano na, at habang nagbubuntis ay inaalagaan na ang ina at sanggol hanggang sa panganganak.

Speak Your Mind

*