Bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan, sinalakay ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf

Sinalakay ng mga hinihinalang mga miyembro ng grupong Abu Sayyaf ang bayan ng Tipo-Tipo, Basilan, miyerkules ng gabi.

Ayon kay dating Tipo-Tipo Basilan Central Mayor Tong Istarul, puwersahang pinasok ng mga bandidong grupo ang naturang bayan dakong alas 7:30 ng gabi, miyerkules.

Walang habas umanong nagpaputok ng mga baril ang mga ito na labis na ikinaalarma ng mga residente.

Nagkaroon din ng palitan ng putok sa pagitan ng mga bandido at military na nakadestino sa lugar bagamat wala pang impormasyon kung mayroong casualties sa magkabilang panig.

Dahil sa pananalakay, libu-libong residente umano ang naalarma sa naturang lugar.

Speak Your Mind

*