Bentahe ng Pilipinas sa negosasyon sa China, mas lumak

Malaki ang magiging bentahe ng Pilipinas sa pagkapanalo nito sa kaso sa China kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, mas malaki ang bentahe ngayon ng Pilipinas kung isusulong nito ang pakikipag-negosasyon sa China.

Mas mainam rin para kay del Rosario na magkaroon ng constructive negotiation sa China.

Maganda rin aniyang ituloy ang pakikipag-ugnayan sa Amerika na kaalyado ng Pilipinas sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ipinunto rin ni del Rosario na pinal at hindi na maaaring i-apela pa ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa kaso.

Speak Your Mind

*