Bob Arum, umaasa na muling sasabak sa ring si Manny Pacquiao

Hindi na isinama ng Top Rank Promotions ang dating four division champion na si Adrien Broner sa pagpipilian sakaling maisipang bumalik sa loob ng ring ng pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay Bob Arum, masyadong mahal kung sumingil si Broner na hindi kakayanin ng kahit sinong promoter.

Katuwang ni Arum para mabuo sana ang Pacquiao-Broner ang manager-promoter din na si Al Haymon.

Pero dahil sa mataas na asking prize ni Broner, naghahanap muli si Arum kung sino ang itatapat sa pagbabalik ni Pacquiao.

Naniniwala si Arum na muling lalaban si Pacman pero hindi pa alam kung kailan.

Una ng napaulat na inihahanda ng Top Rank ang October 15 na venue sa Mandalay Bay Events Center sakaling magdesisyon si Pacquiao na lumaban muli.

Speak Your Mind

*