Boris Johnson, hindi interisadong maging prime minister ng United Kingdom

Walang balak na tumakbo bilang Prime Minister ng United Kingdom si dating London Mayor Boris Johnson.

Ito ang inihayag ni Johnson matapos ang isinagawa niyang konsultasyon sa mga kapwa pulitiko at sinabing hindi niya magagampanan ang iiwang trabaho ni British Prime Minister David Cameron.

Una nang nagbitiw sa pwesto si Cameron matapos ang resulta ng E-U Referendum kung saan nagwagi ang mga nagsulong ng Brexit o ang pagkalas ng Britanya sa European Union.

Matatandaang isa si Johnson sa nangampanya para sa Brexit.

Samantala, inihayag naman ni Justice Secretary Michael Gove at Home Secretary Therese May ang intensyon nilang tumakbo bilang Prime Minister ng UK.

Speak Your Mind

*