Brazilian Army, nagdagdag ng pondo para sa seguridad sa Rio Olympics

Nabigyan ng karagdagang twenty four million dollars na pondo ang Brazilian Army para sa seguridad sa Rio Olympics sa Agosto.

Ayon kay Brazil Sports Minister Leonardo Picciani, mahalaga ang naturang pondo para masigurong walang anumang mangyayaring masama sa mga manlalaro at bisita sa pinaka-malaking sporting event.

Simula Hulyo a-bente kwatro ay magsisimula ang mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa mga playing venue.

Nasa eighty five thousand na pulis at sundalo ang nakatakdang i-deploy sa Rio Olympics mula Agosto a-singko hanggang a-bente uno.

Speak Your Mind

*