BSP, hinikayat ang publiko na huwag itago ang mga perang barya

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) La Union na walang kakapusan sa suplay ng cions o perang barya sa bansa.

Ito ayon kay BSP Regional Director Rogel Joseph del Rosario ang nagiging problema lamang at hindi napapa-ikot ng tama ang mga barya.

Batay sa data ng BSP, umaabot sa P28.2 bilyon ang umiikot na barya sa buong bansa, at may bilang na nasa 25 milyong pirasong barya.

Kasabay nito, hinikayat ni del Rosario ang publiko na huwag itago ang mga barya, gamitin ito upang umikot sa merkado.

Kasabay nito, umapela rin sa puliko ang BSP na pangalagaan ng mga perang papel, huwag itong dumihan, huwag gusutin at susulatan ang mga bank notes.

Speak Your Mind

*