BSP-La Union, kinilala bilang Best Performing Regional Offices sa buong bansa

Kinilala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) La Union bilang Best Performing Regional Office sa buong bansa.

Ayon kay BSP Regional Director Rogel Joseph del Rosario ito ay isang annual award kung saan binibigyan ng pagkilala ang mga outstanding performances ang mga regional offices at branches.

Sinabi pa ni del Rosario na pang apat na beses nang nasungkit ng BSP-La Union ang award for regional offices mula sa taong 2011, 2012, 2013 at 2015.

Sakop naman aniya ng BSP-La Union ang mga area ang Dagupan, San Fernando Pampanga, Cabanatuan, Tuguegarao at Batac sa Ilocos Norte.

Kabilang naman aniya sa mga pinagbatayang criteria na pagkakasungkit ng award ay ang pagsunod at pagpapatupad sa mga rules and regulation at pagpapakalat ng mga adbokasiya ng BSP.

Ang tinig ni Regional Director Rogel Joseph del Rosario ng BSP-La Union sa ginanap na Kapihan sa Ilocos.

Speak Your Mind

*