Butchoy, bumagal habang tinutumbok ang Taiwan

Napanatili ng bagyong Butchoy ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon patungong Taiwan.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 220 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong na aabot sa 255 kilometro kada oras.

Kikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Huling namataan ang Bagyong Butchoy sa 235 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Nakataas na ang Public Storm Warning Signal number two sa Batanes at Signal number one sa Calayan at Babuyan Group of Islands.

Speak Your Mind

*