CDA-Region 1, nagsagawa ng ‘KooperatiBalitaan’ forum

Inilunsad ngayong araw ng Cooperative Development Authority o CDA Region 1 ang kanilang ikalawang “KooperatiBalitaan sa CDA” forum na isinagawa sa Capitol Resort Hotel sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Josefina Bitonio, Regional Director ng CDA-Region 1, na ang “KooperatiBalitaan sa CDA” ay inilunsad para maabot ang lahat ng samahan ng mga kooperatiba sa lalawigan.

Sa nasabing forum, tinalakay ang mga cooperatives rules and regulations, development programs, at iba pang usapin na tumatalakay sa kahalagahan ng kooperatiba sa komunidad.

Bilang bahagi sa communication at advocacy plan ang kooperatibalitaan ay sumusuporta din sa philippine roadmap for cooperative development para maabot ang vision and mission ng mga kooperatiba na may temang “transformative cooperative for people, planet, prosperity, peace and purpose.”

Speak Your Mind

*