CDRRMC Dagupan, naglabas na ng 72 hour emergency kit bilang paghahanda sa La Nina

Naglabas na ng 72 Hour Emergency Kit ang city Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) bilang paghahanda sa pagpasok ng La Nina.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng National Disaster Consciousness Month katuwang ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno na may temang “Kahandaan at Pagtugon sa Sakuna, Tungkulin ng Bawat Isa”

Ayon kay Bernard Cabison, Operation Head ng CDRRMC na kilala ang lungsod ng Dagupan sa bahaing lugar gaya ng barangay Malued, Pantal, Lasip Grande, Pogo Grande, Pogo Chico, Bacayao Sur, Bacayao Norte, Mayombo, Mangin, Tebeng at Caranglaan.

Dahil dito, inihandan na ang rescue equipment ng cdrrmc kabilang na ang apat na motor boat, dalawang rescue track, dalawang ambulansya, salbabeda at iba pang kagamitan sa pagreponde sa baha.

Kabilang naman ang mga paalalang nakalagay sa 72 Hour Emergency Kit ang mga dapat ihanda sa pagdating ng sakuna gaya ng de lata, inuming tubig, flashligt, radyo, gamot, at ilan pirasong damit.

Speak Your Mind

*