CHED-RO1, bukas sa posibilidad na isailalim sa drug test ang mga estudyante

Bukas ang Commission on Higher Education (CHED) Region 1 na muling ipatupad ang drug testing sa mga estudyante, kasabay sa pinaigting na kampanya ang gobyerno laban sa ilegal drugs.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Rogelio Galera, Education Supervisor II ng CHED Region I na dapat itong gawin sa pamamagitan ng voluntary drug testing.

Ayon pa kay Galera, una nang ipinatupad ang mandatory drug testing sa mga estudyante noong 2007 hanggang 2010 sa ilalim ng pamamahala ng Dangerous Drugs Board (DDB), Department of Health (DOH) at CHED.

Sang-ayon naman ni Galera na sumailalim rin sa drug test ang lahat ng mga faculty staff, at mga guro para matiyak na drug free ang kanilang institusyon.

Speak Your Mind

*